KAHANGA-HANGA ang kasipagan at tunay
na public servant si Atty. PERSIDA V.
RUEDA-ACOSTA, Chief Public Attorney dahil lagi siyang handang tumulong sa
kapwa-Pilipino at ipaglaban ang hustiya para sa kanila.
Noong June 21 ay muling pinangunahan
na butihing PAO chief ang ika-apat na anibersaryo ng paglubog ng M/V Princess
of the Stars, isang pampasaherong barko na pag-aari ng Sulpicio Lines, na
lumubog sa Sibuyan island sa Romblon noong kasagsagan ng bagyong Frank.
Muling nagsama-sama ang mga kamag-anak
ng mga biktima ng paglubog ng naturang barko at nanalangin sa misang
pinangunahan ni Fr. Robert Reyes. Nanawagan ang running priest na patuloy na
suportahan ang kaso laban sa Sulpicio Lines upang panagutin ito sa pagkamatay
ng may 850 pasahero. Matatandang pilit na bumiyahe ang barko kahit pa binawalan
na ito dahil nga sa malakas na bagyo.
Umabot na sa halos 200 civil cases
ang isinampa ng PAO laban sa Sulpicio Lines at patuloy ang suporta nito sa mga
kamag-anak ng mga biktima.
MATAPOS ang paggunita sa pagkamatay
ng maraming pasahero, sumabak naman ang buong puwersa ng PAO sa jail visitation
noong June 26 at 27.
Ang
9th leg of Jail Visitation and
Decongestion Program ay ginanap noong June 26 (Tuesday) sa the Pasay City Jail at sa Makati City Jail. Dagli itong sinundan,
the following day, on
June 27, (10th leg) sa Manila
City Jail Male Dorm at Manila City Jail Female Dorm; at sa Manila Youth
Reception Center .
Ang outreach program para sa mga inmates ay inumpisahan ng PAO noong April 2007.
Ang PAO, sa pamumuno ni Chief Acosta, kasama ang 44 lawyers
at staff nito mula sa PAO-Central Office at Manila District Office, ay
nagbibigay legal counseling at on-the-scene medical/dental check-up sa mga
inmates. Si Dr. Anastacio Rosete, Jr., at mga duktor at nurses mula sa local
government ng Makati , Pasay
at Manila at si
Atty. Erwin P. Erfe, M.D. ng PAO Forensic Laboratory, ay kasali sa programa.
Ang
PAO, ayon sa Republic Act No. 9406 (PAO law), ay isa nang independent at autonomous agency
attached to the Department of Justice (DOJ) for program and policy
coordination. Ang Free Legal, Medical, Dental and Optical Mission is ay
isinasagawa nito sa iba’t ibang kulungan
at detention centers sa buong bansa.
“The
program helps in unclogging court
dockets, decongesting overcrowded correctional facilities and releasing inmates
who have served the possible maximum sentence, in line with the directive of H.
E. President Benigno S. Aquino III, to provide justice for all,” ayon kay Chief
Acosta.
Samantala,
bilang bahagi pa rin ng promosyon ng mga serbisyo ng PAO para sa taong bayan, patuloy si Atty. Acosta sa kanyang programa sa TV5,
ang ‘Public Atorni: Asunto o Areglo’ na napapanood
tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2 PM. Dahil maraming kaso ang nilulutas ng
naturang programa, di nakapagtatakang tinatangkilik ito ng marami nating mga
kababayan.
Comments
Post a Comment