KAHANGA-HANGA ang kasipagan at tunay na public servant si Atty. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA, Chief Public Attorney dahil lagi siyang handang tumulong sa kapwa-Pilipino at ipaglaban ang hustiya para sa kanila. Noong June 21 ay muling pinangunahan na butihing PAO chief ang ika-apat na anibersaryo ng paglubog ng M/V Princess of the Stars, isang pampasaherong barko na pag-aari ng Sulpicio Lines, na lumubog sa Sibuyan island sa Romblon noong kasagsagan ng bagyong Frank. Muling nagsama-sama ang mga kamag-anak ng mga biktima ng paglubog ng naturang barko at nanalangin sa misang pinangunahan ni Fr. Robert Reyes. Nanawagan ang running priest na patuloy na suportahan ang kaso laban sa Sulpicio Lines upang panagutin ito sa pagkamatay ng may 850 pasahero. Matatandang pilit na bumiyahe ang barko kahit pa binawalan na ito dahil nga sa malakas na bagyo. Umabot na sa halos 200 civil cases ang isinampa ng PAO laban sa Sulpicio Lines at patuloy ang suporta nito sa mga kamag-anak ng...